^

Probinsiya

Boxer na si Albert Pagara buhay, nahaharap sa kasong rape ng 14-anyos

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Boxer na si Albert Pagara buhay, nahaharap sa kasong rape ng 14-anyos
Ayon sa pulisya, tinangkang magpakamatay ni Pagara, 27, ng Sityo Terra, Barangay Inayawan, Cebu City noong Setyembre 1, gamit ang sintas ng sapatos sa loob mismo ng selda subalit naagapan ng kanyang mga kasamahang preso.
STAR/ Filr

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Pardo Police Station sa Cebu na buhay pa at kasalukuyang nakakulong ang professional boxer na si Albert “Prince” Pagara matapos ireklamo ng pangmomolestiya ng  isang  14-anyos na dalagita sa Cebu City.

Ayon sa pulisya, tinangkang magpakamatay ni Pagara, 27, ng Sityo Terra, Barangay Inayawan, Cebu City noong Setyembre 1, gamit ang sintas ng sapatos sa loob mismo ng selda subalit naagapan ng kanyang mga kasamahang preso.

Sa report ng Cebu City Police Office (CCPO), dinakip si Pagara dakong alas-7:30 ng gabi nang ireklamo ng 14-anyos at Grade 8 student na biktima dahil sa panghahalay umano sa kanya.

Isinalaysay ni P/Lt. Col. Wilbert Parilla, ang deputy director ng CCPO, na nakatulog ang biktima habang nagbabantay sa anak ng suspek at nagising na lang ito nang hinipo ni Pagara ang pribadong parte ng katawan nito. Tinanggal umano ni Pagara ang romper dress nito at dinilaan ang dibdib ng biktima at ipinasok ang daliri nito sa kanyang ari.

Aniya, hindi na nakakilos ang biktima dahil sa takot. Pagkalipas ng ilang minuto, nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na agad nag-report sa pulisya.

Nabatid na kapatid lang ng live-in partner ni Pagara ang menor-de-edad na biktima.
Itinanggi naman ni Pagara  ang akusasyon at mas ninais umano niyang kitlin ang kanyang buhay kaysa maharap sa kahihiyan dahil sa kasong di naman umano nito ginawa.

Huling lumaban sa ibabaw ng ring si Albert Pagara noong Disyembre 18, 2020 kung saan nagwagi ito sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Virgil Puton.

vuukle comment

PARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with