^

Probinsiya

3.3 milyong forest seedlings naitanim sa Nuela Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Mahigit sa 3.3 million na puno ng mga forest trees ang naipamahagi ng isang minahan at naitanim sa iba’t ibang lugar sa lalawigang ito, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa datos na ipinalabas ng FCF mi­ning Corporation na naka-base sa Barangay Runruno sa bayan ng Quezon, ang mga naitanim na mga kahoy ay kinabibilangan ng Yakal, Bagtikan at Guijo.

Ayon kay James Carmichael, country ma­nager ng FCF, sa kabuuang 3,393,104 na mga seedlings,1,431,584 ang naitanim sa ilalim ng Mining Forest Program (MFP), 1,248,785 para sa National Greening Program (NGP) ng pamahalaan, 512, 451 para sa replacing program at 200,284 naman para sa Green House Gas Offsetting Program (GHGOP).

Umabot sa kabuuan na 2,140 hektarya ang nataniman sa loob at labas ng kanilang Financial Technical Assistance Agreement (FTAA) sa ilalim ng NGP.

Nasa 484.5 hektarya naman ang natamnan sa ilalim ng MFP habang umabot sa 234.1 na hektarya ang nataniman mula sa kanilang mga donasyon na naipamahagi sa iba’t ibang indibiduwal at mga LGUs sa lalawigan.

Bukod sa mga forest trees, patuloy ang pamimigay ng FCF ng libreng mga fruit bearing trees sa mga indibiduwal na nais magtanim ng mga pu­nongkahoy kabilang na ang mga bamboo seedlings.

Personal na binisita nina Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR at  Mines and Geosciences Bureau (MGB) Regional Director Mario Ancheta ang reforestation project ng minahan kabilang ang kanilang mining rehab.

FCF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with