^

Probinsiya

Paslit ginahasa ng lolo sa harap ng mga kapatid

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MARILAO, Bulacan , Philippines — Arestado ang isang 48-anyos na lalaki matapos niyang gahasain ang 9-anyos na apo sa harap ng mga kapatid nito,kamakalawa.

Kinilala ang naares­tong suspek na si Joel Tumlod, tubong Aroroy, Masbate, habang ang biktima ay itinagoo sa pangalang “Jill”, grade 3 pupil, kapwa residente ng Brgy. Lambakin.

Sa report ng Marilao police,nangyari ang insidente bandang alas-12:00 ng madaling araw kamakalawa sa loob ng bahay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang magkakatabing nakaupo ang biktima kasama ang ilang nakakabatang kapatid ay nagpunta ang suspek sa kanilang palikuran para umihi.

Nang lumabas sa palikuran ay tinabihan ng suspek ang biktima hanggang sa puwersahang gahasain.

Dahil dito, nagpumiglas ang biktima hanggang sa makawala sa bisig ng suspek hanggang makatakas.

Nang dumating ang ina maghahating gabi ay nalaman nito ang nangyari kaya agad hu­mingi ng tulong sa mga otoridad kaya nahuli ang suspek.

Nalaman pa sa imbestigasyon na ang biktima ay nakaranas ng pang-aabusong seksuwal sa suspek habang sila ay nasa Masbate.

Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong statutory rape.

vuukle comment

JOEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with