^

Probinsiya

3 mag-uutol sa ‘Benitez gang’ natimbog sa baril sa raid

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

OAS, Albay MANILA, Philippines — Hindi na nakapalag ang tatlong kilabot na magkakapatid na miyembro umano ng “Benitez criminal gang” nang arestuhin ng mga pulis makaraang makuhanan ng mga baril sa ginawang search warrant operation sa kanilang bahay sa Zone 11, Sitio Lomlom, Brgy. Saban ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Bernie Laurente Benitez, 47-anyos, mga katapid na sina Ananias alyas “Yuki”, 36-anyos at Bernald alyas “Ba-do”, 29-anyos, pawang kasapi ng naturang criminal gang na sangkot umano sa mga kasong pagpatay, panggagahasa, pananakot, panghoholdap at gunrunning sa lalawigan.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga, bitbit ang search warrant na inilabas ng Ligao City Regional Trial Court ay sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Albay sa pangunguna ni Major Dave Abarra ang bahay ng mga suspek.

Nadatnan naman ng raiding team ang mga suspek na hindi na nagawang makapanlaban sa mga operatiba. Nasamsam sa lugar ang tatlong kalibre 38 baril at mga bala.

vuukle comment

BENITEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with