^

Probinsiya

Sekyu arestado sa buy-bust operation

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GAPAN CITY, Nueva Ecija , Philippines —  Naaresto sa isang drug buy-bust operation ang isang 55-anyos na security guard matapos umanong mabentahan ang isang police poseur-buyer sa Barangay Bayanihan, dito, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng pulisya rito, ang suspek na si Alberto Castro, may-asawa ng nasabing lugar.

Nabatid na alas-3:30 ng Martes ng madaling-araw nang mabentahan umano ng suspek ang isang police undercover ng isang plastic sachet ng umano’y shabu, kapalit ng P500 bill ‘marked money’.

Dito na inaresto ang suspek at nang kapkapan pa ito ng pulisya ay may nakuha sa kanya na siyam pang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.79 gramo at nagkakahalaga umano ng P12,200.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampang kaso laban sa suspek.

vuukle comment

ALBERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with