^

Probinsiya

Kagawad, 1 pa tiklo sa P3.4 milyong shabu

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Kagawad, 1 pa tiklo sa P3.4 milyong shabu
Kinilala ang mga inaresto na sina Ibra Farhan, 43-anyos, kagawad ng barangay sa Barangay Guinaopan, Tamparan, Lanao del Sur at isang Alinor Taurac, 40-anyos.
STAR/ File

MAGUINDANAO, Philippines —  Arestado ang isang barangay kagawad at ang isa pa nitong kasamahan matapos na mahulihan ang mga ito ng P3.4 mil­yong halaga ng ipinagbabawal na droga sa inilun­sad na drug operations sa national highway ng Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Ibra Farhan, 43-anyos, kagawad ng barangay sa Barangay Guinaopan, Tamparan, Lanao del Sur at isang Alinor Taurac, 40-anyos.

Ayon kay Director Gilbert Buenafe ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM), ang mga suspek ay nagbenta ng 500 gramo ng shabu sa isang undercover agent ng PDEA, pasado alas-4:00 ng hapon nitong Biyernes.

Tinangka pang tumakas ng mga suspek ma­tapos na malaman nilang mga PDEA agents ang kanilang katransaksyon pero bigo na silang maka­takas.

Ang dalawa ay nasa kuskodya ng PDEA-BARMM headquarters sa PC Hill, Cotabato City at kakasuhan sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with