Mister kinatay ng kaaway sa harap ng misis
SILANG, Cavite , Philippines — Pinasok ng isang helper ang bahay ng isang 20-anyos na mister at dito ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay naganap kahapon ng madaling araw sa Brgy.Bulihan ng bayang ito.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa rami ng tinamong saksak sa katawan ay nakilalang si Joshua Gulani Cariño, factory worker, residente ng B-217, L-6, Zone 10 AFP Housing.
Tumakas ang suspek matapos ang krimen na nakilalang si Julius Andres Reyes, 31, residente ng Brgy. Dela Paz, Biñan City, Laguna.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:40 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima na noon ay mahimbing na natutulog katabi ang misis nito na si Diana Marie.
Nagising ang mag-asawa at nakita ang suspek na armado ng kutsilyo na kinuha nito sa kusina at sinugod ang biktima.
Nagpambuno ang dalawa hanggang sa tuluyang naagaw ng suspek ang patalim at sunud-sunod nitong inundayan ng saksak hanggang sa bumulagta ang biktima.
Nabatid na may dating alitan ang suspek at biktima.
- Latest