13-anyos nahulihan ng sangkaterbang armas sa military checkpoint
MAGUINDANAO, Philippines — Isang 13-anyos na binatilyo ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pagdadala nito ng matataas na kalibre ng baril sa lalawigang ito, kamakalawa.
Ayon kay Ist Mechanized Battalion Commander Lieutenant Colonel Cresencio Sanchez Jr., na namataan nila sa kanilang military checkpoint sa Barangay Nabundas Shariff Saydona Mustapha Maguindanao ang isang 13-anyos na nagmamaneho ng kuliglig.
Nakuha sa loob ng kuliglig o tractor ang (1) M16 (Bushmaster), (1) M16 Rifle, 38 pieces of M16 Barrels, six (6) pieces of M14 Back Plate, two (2) pieces of M16 Butt plates, assorted parts for M14 and M16 rifles, one (1) unit Welding Machine, and three (3) pieces Metal clamp.
Naniniwala si Sanchez na pagmamay-ari ng BIFF ang mga armas at ginagamit ang mga menor de edad para mailusot.
Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy ang tropa ng Ist Mechanized BC at mga intel units.
- Latest