^

Probinsiya

Barangay chairman itinumba sa Nueva Ecija

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman itinumba sa Nueva Ecija
Ang biktimang kinilalang si Amante Powec, 57-anyos, incumbent chairman sa Brgy. Palale ng bayang ito ay idineklarang dead-on-arrival sa Medicare Community Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa kanyang dibdib.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang brgy. chairman makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong salarin sa Brgy. Nazareth, Gen. Tinio, Nueva Ecija nitong Biyernes.

Ang biktimang kinilalang si Amante Powec, 57-anyos, incumbent chairman sa Brgy. Palale ng bayang ito ay idineklarang dead-on-arrival sa Medicare Community Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa kanyang dibdib.

Sa ulat ng Nueva Ecija Police, naganap ang krimen sa bisinidad ng Sitio Payung-Payong, Brgy. Nazareth, bandang alas-11:10 ng tanghali. Kasalukuyang sakay sa kanyang tricycle ang tserman nang lapitan ng gunman at pagbabarilin nang sunud-sunod.

Bunga nito, duguang bumulagta ang opisyal sa kanyang tricycle habang mabilis namang tumakas ang suspect patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa pagamutan ng mga sumaklolong residente sa lugar pero nabigo nang maisalba ang buhay nito.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito upang matukoy ang motibo ng krimen.— Christian Ryan Sta. Ana

vuukle comment

AMANTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with