Pre-SONA isinagawa sa BARMM
MAGUINDANAO, Philippines — Isinagawa ng Presidential Communications Operations Office, Office of the Cabinet Secretary at Department of National Defense ang pre-SONA (State of the Nation Address) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato city nitong Martes.
Ito ay bahagi umano ng ikaanim at panghuling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinakda sa Hulyo 26, 2021 kung saan inilahad dito ang lahat ng mga napagtagumpayang programa ng administrasyon.
Lumahok sa nasabing pre-SONA series ang ilang mga matataas na opisyal ng rehiyon, PNP, AFP; mga alkalde, at iba pang sektor kung saan panauhing pandangal sina Cabinet Secretary Karlo Nograles at Defense Secretary Delfin Lorenza.
Sinabi ni Cabinet Secretary Nograles na isa sa mga pinagtuunan ng pansin ng Pangulo ay ang problema ng kagutuman sa bansa at masasabi anya itong napagtagumpayan ng administrasyong Duterte.
Bukod dito, nabigyan din ng pagkakataon ang regional government ng BARMM sa mga cabinet member ng Pangulo na ihayag ang mga nakamit ng rehiyon mula nang maitatag ito noong 2019.
- Latest