^

Probinsiya

No.1 most wanted na illegal recruiter, nadakip

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Matapos ang halos walong taon na pagtatago ay natunton din at nadakip ng mga otoridad ang number 1 most wanted sa lalawigang ng Cagayan sa kanyang pinagtataguan sa General Trias, Cavite kamakalawa.

Kinilala ni P/Lt. Col. Andree Abella, Information Chief ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang nadakip na suspek na si Norma Bunnao, 60, residente ng Barangay Simayung, Abulug, Cagayan at Top 1 sa listahan ng mga wanted person sa lalawigang ito.

Bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jose Lorenzo Dela Cruz, ng Regional Trial Court Branch 03, Manila noong taong 2013, ay inaresto si Bunnao ng pinagsanib na puwersa ng General Trias City Police Station, Abulug Police Station, Cagayan Provincial Intelligence Team at Regional Intelligence Unit sa kanyang pinagtataguan ng halos 8 taon sa Barangay Bagumbayan, General Trias.

Inatasan ng korte na magbayad ang akusado ng P40,000.00 para sa kasong 3 counts of Estafa habang wala namang inirekomenda ang korte na piyansa para sa kanyang kasong illlegal recruitment.

vuukle comment

PRO2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with