^

Probinsiya

8-anyos sumama sa swimming, nilamon ng ilog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LABO, Camarines, Philippines — Patay ang isang 8-anyos na batang lalaki matapos na malunod makaraang sumama sa kanyang nanay sa paliligo sa Abasig river sa Sitio Little Palawan, Brgy. Baay ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Walang malay na isinugod sa Labo District Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si John Kian Colasito Campita,grade 2 at residente ng Purok-2, Brgy. Dalas.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon dumayo ng swimming sa ilog ang nanay ng biktima na si Diosan Campita kasama ang ilang mga kaibigan at naengganyong sumama ang bata.

Gayunman, hindi napansin ng nanay na sumakay ng balsa ang anak kasama ang ilang mga bata at nagpati-anod sa agos ng tubig.

Ilang sandali pa ay nakitang hinihila ng mga kapwa bata ang biktima dahil umano sa nahulog ito sa balsa at nalunod.

vuukle comment

LABO DISTRICT HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with