^

Probinsiya

Rider lasog, angkas kritikal sa signage

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DARAGA, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang rider habang malubhang nasugatan ang kanyang angkas matapos silang bumangga sa isang bakal na signage sa Maharlika Highway na sakop ng Sitio Malada, Brgy. Malabog ng ba­yang ito kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng matin­ding pinsala sa katawan sanhi ng kanyang kamatayan ang biktimang si Richard Base Bañas, 28, ng Purok-2, Del Pilar Street, Brgy. Sogod, Bacacay habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang angkas niyang si Maryjol Andes, 22, residente ng Brgy. Banquerohan, Legazpi City.

Ayon sa ulat, da­kong alas-3:20 ng madaling araw, mabilis na binabagtas ng magka­angkas na biktima ang kahabaan ng highway mula sa bayan ng Gui­nobatan patungo sa di­reksyon ng Poblacion sa Daraga. Gayunman­, pagdating nila sa pali­kong bahagi ng kalsada ay nawalan ng direk­syon ang motorsiklo at malakas na bumangga sa signpost.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumalsik ang dalawa na agad isinugod ng mga sumaklolo sa Bicol Regional Trai­ning and Teaching Hospital sa Legazpi City pero idineklarang patay si Bañas.

vuukle comment

DARAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with