No. 10 most wanted huli sa Zambales
ZAMBALES , Philippines — Matapos ang dalawang taon na pagtatago sa batas ay naaresto ng mga otoridad sa lalawigan ng Zambales ang tinaguriang ika-10 most wanted person ng Batangas kamakalawa.
Sa ulat sa tanggapan ni Police Regional Office 3 chief Brigadier General Valeriano De Leon, nagsanib puwersa ang Anti-Kidnapping Group-LFU, Botolan MPS, Zambales at Batangas Police Intel Unit nang kanilang salakayin ang hideout ng suspek sa Pantamnan Resort sa Brgy. Danak sa Botolan, Zambales
Hindi na nagawang makapalag ng suspek na si Arnold Busilig, 36- anyos ng Calatagan Batangas nang ihain sa kanya ang warrant of arrest sa kasong homicide na inisyu ni Cristino Judit Lucero, presiding judge ng RTC Branch 10, Balayan, Batangas.
Nag-ugat ang kaso ng akusado nang mapatay umano nito ang isang Roberto Olarve Jr. sa kanilang lugar dahil sa selos saka nagtago sa batas at patuloy sa paggawa ng krimen kaya inilagay siya ng mga otoridad sa ika-10 top most wanted person sa Batangas.
- Latest