3 lalaki niratrat habang naglalakad, 2 todas
ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines — Dalawang lalaki ang patay habang isa ang nasugatan nang pagbabarilin sila ng may apat na lalaki habang naglalakad pauwi sa kanilang mga bahay, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Romualdo Fernandez at Efren Cabasbas, habang sugatan naman si Joey Dagalea, na ginagamot na ngayon sa pagamutan.
Arestado naman ang mga itinuturong suspek sa krimen na sina Eustaquio Flohimon, 52; Benidictson Bon, 23; Adrian Miranda, 39; at JayAr Arasa, 35. Samantala, arestado rin naman ang isang Sally Misola dahil umano sa kasong obstruction.
Sa ulat ng Antipolo City Police, alas-9:30 ng gabi ay naglalakad ang mga biktima pauwi na sa kani-kanilang tahanan sa Sitio Abuyod, Brgy. San Jose, Antipolo City nang bigla na lang silang pagbabarilin ng mga suspek na agad ikinamatay nina Fernandez at Cabasbas.
Kaagad din namang naaresto ang mga suspek at inaalam kung ano ang motibo nila kung bakit pinagbabaril ang mga biktima.
Nakarekober rin ang mga otoridad ng dalawang pistola, na pinaniniwalaang siyang ginamit sa krimen.
- Latest