^

Probinsiya

‘Bantay salakay’ na mag-asawa ipinaaresto ng among negosyante

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

Cash, alahas, titulo ng lupa tinangay

SAN LEONARDO, Nueva Ecija, Philippines — Isang mag-asawang katiwala na nalulong sa sugal ang dinakip ng pulisya matapos na ireklamo ng kanilang among babae na negosyante na nagmula pa sa Japan nang madiskubreng nilimas ng mga suspek ang mga pera, alahas at titulo ng lupa na nagkakahalaga ng mahigit P10 milyon, dito kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang dinakip na sina Ro­nald Atayde, 27, at misis na si Melanie, 27, ng San Leonardo, NE. Sila ay nasukol sa isang kilalang subdibisyon sa Cabanatuan City, bandang alas-11:45 ng gabi noong Huwebes.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sergeant Norwin­ Cunanan, ang amo ng mga suspek na si Maribeth Omori, 50-anyos, tubong San Leonardo, NE, ay nakapag-asawa ng Hapon at nakatira sa Japan.

Dumulog sa pulisya si Omori at sinabing kinulimbat ng mag-asa­wang katiwala ang kan­yang mga alahas at cash at mga titulo ng lupa habang siya ay na­abutan ng lockdown sa Japan sanhi ng COVID-19 pandemic.

Kamakailan lang umano siya dumating­ sa bansa at nanatili sa isang pasilidad para sa mandatory quarantine pro­tocol. Nang umuwi siya ng kanyang bahay sa Ca­banatuan City ay laking-gulat niya nang ma­lamang nawawala na ang mga pera, alahas at limang titulo ng kanyang lupa.

Nang arestuhin ang dalawang suspek ay isa sa mga alahas na nagkakahalaga ng P315,000 ang nabawi ng mga pulis dito.  

Sa loob ng detention cell, inamin umano ng mag-asawa na isinanla nila ang mga alahas sa iba’t ibang pawnshop habang inamin ng lalaki na nalulong siya sa sugal kaya nagawang pagnakawan ang kanilang amo. 

KAWATAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with