Mag-asawa, mag-utol tiklo sa P3.4 milyong droga
DASMARINAS CITY, Cavite , Philippines — Nalambat ng pulisya ang 4 na nasa high value target at mga big-time dealer ng droga sa isinagawang drug bust sa parking lot ng kilalang mall sa lungsod na ito, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Alex Dejumy Lignes, 37; kapatid nitong si Michelle Dejumu Lignes, 30; at ang mag-asawang sina Maria Rovic Mallari, 28, waitress at Ralph Raya Mallari, 35, pawang mga residente ng Block 38, Lot 45, Barangay Nara II, Silang, Cavite.
Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ng PDEA, ala-1:45 ng hapon nang magkasa ng buy-bust ang mga ahente ng PDEA Laguna Provincial Office at Dasmariñas Police sa parking lot ng kilalang mall sa lungsod.
Nang magpositibo ang target, agad na pinalibutan ng grupo ang mga suspek at nakuha sa mga ito ang may 500 gramo ng shabu na aabot sa halagang P3,400,000.00.
Nakuha rin sa mga ito ang buy-bust money na ginamit at 1 unit ng cellular phone na gamit sa transaction.
Ayon sa pulisya, nasa HVT list ang 4 na suspek na big-time dealer ng droga hindi Lang sa lalawigan ng Cavite kundi pati sa mga karatig lalawigan.
- Latest