^

Probinsiya

Mag-asawang caretaker kinatay na parang baboy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang caretaker kinatay na parang baboy
Kinilala ang mga biktima na sina Obaldo Rodrigo, 54-anyos at misis nitong si Wilma, 58, pawang mga residente sa lugar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang mag-asawang katiwala matapos gilitan at pagtatagain ng mga ‘di kilalang salarin na umatake sa kanilang tahanan sa Brgy. Hacienda, Bugallon, Pangasinan ka­makalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Obaldo Rodrigo, 54-anyos at misis nitong si Wilma, 58, pawang mga residente sa lugar.

Sa ulat ng Pangasinan Police, pasado alas-5 ng umaga nang madiskubre ang loader operator na si Pascasio Salamat na residente rin sa lugar ang krimen.

Ang mister ay natagpuang naliligo sa sariling dugo habang nakahandusay sa labas ng kanilang tahanan at may hiwa sa leeg habang tadtad pa ng mga taga sa katawan na halos ikaputol ng braso nito habang nakita ang bangkay ng ginang na tadtad rin ng taga sa mukha at tagilirang bahagi ng katawan sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, isang matalim na itak ang ginamit ng mga salarin sa pagpatay sa mag-asawa at dalawang “persons of interest” na ang masusi nilang iniimbestigahan sa krimen.

Nabatid na ang mag-asawa ay kapwa caretaker ng isang malawak na lupain sa lugar kung saan posible umanong naiinggit ang mga salarin na siyang ugat ng krimen.

vuukle comment

BRUTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with