^

Probinsiya

SK chairman nag-blow out ng inuman,tinamaan ng virus

Raymund ­Catindig - Pilipino Star Ngayon
SK chairman nag-blow out ng inuman,tinamaan ng virus
Makalipas ang ilang araw ay nakaranas na ng lagnat, pag-ubo at pangangati ng lalamunan ang chairman kaya’t sumailalim ito sa swab test na kalaunan ay nagpositibo sa virus.
Walter Bollozos, file

ILAGAN CITY, Isabela, Philippines — Isang malawakang contact tracing ang isinasagawa ngayon ng mga otoridad sa mga nakasalamuha ng isang SK chairman na nakipaglaklakan sa mga kaibigan na kalaunan ay lumabas siyang positibo sa COVID-19 sa bayang ito.

Ayon sa mga otoridad, nagkaroon ng paglalakbay sa lungsod na ito na isang COVID-19 hotspot ang batang opisyal upang magpakuha ng larawang nakasuot ng toga na pang graduation na gagamitin sa kanilang inililimbag sa Year Book sa paaralan noong mga unang linggo ng Enero.

Nabatid na nagpainom sa mga kaibigan ang chairman pag-uwi sa kanilang nayon bilang blow out  sa pagtatapos ng kurso.

Makalipas ang ilang araw ay nakaranas na ng lagnat, pag-ubo at pangangati ng lalamunan ang chairman kaya’t sumailalim ito sa swab test na kalaunan ay nagpositibo sa virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with