^

Probinsiya

2 kawani ng telcos nakuryente

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

SAN ESTEBAN, Ilocos Sur, Philippines — Nasawi ang kawani ng isang telephone company habang malubha ang kasama nito matapos silang makuryente habang naglalagay ng  poste sa Brgy.San Nicolas, ng nasabing bayan,kamakalawa.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Candon Ge­neral Hospital si Christian James Marquez 21, samantala nasa Rural Health Unit Clinic  ng San Esteban si Randy dela Cruz, 37,nagpapagaling sa tinamong pinsala sa katawan.

Nabatid na inaalalayan ng dalawang biktima ang paglagay ng kongkretong poste sa gilid ng kalsada sa pamamagitan ng isang boom truck.

Dito ay aksidenteng nasagi ng naturang heavy equipment ang katabing linya ng kuryente na sanhi upang mangisay ang dalawang biktima na noon ay nakayakap sa nakakabit na posteng kanilang inilalagay.

Isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang boom operator na si Jomar Cu,42, para sa kaukulang pagsisiyasat matapos ang insidente.

vuukle comment

CANDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with