‘Tulak’ todas sa Bulacan buy-bust
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Isang kilalang tulak ng droga ang patay matapos na makaengkuwentro ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Sky Line village, Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, ang napatay na suspek na si Elpidio Dykee, habang ang kasama nito na si German Baltazar ay nakatakas.
Sa imbestigasyon, alas-3:30 ng madaling araw nang makaengkuwentro ng dalawang suspek ang mga pulis matapos nilang matunugan na police asset ang kanilang katransaksyon sa bentahan ng droga.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang cal. 38 revolver, dalawang plastik sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money.
- Latest



















