^

Probinsiya

Sanggol itinapon sa dagat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

POLLILLO, Quezon , Philippines — Kalunoslunos ang sinapit ng isang bagong silang na sanggol makaraan itong itapon sa dagat ng kanyang walang pusong ina sa Brgy. Sabang, Pollillo, Quezon.

Sa inisyal na ulat ng Quezon Police, kahapon ng umaga nang matagpuan ang patay na sanggol ng ma­ngingisdang si Raney Dingalan na napagawi sa lugar.

Ayon kay Dingalan, isang plastic bag ang nakita niyang palutang-lutang sa malalim na bahagi ng karagatang nasasakupan ng Brgy. Sabang sa nasabing bayan.

Agad naman niyang kinuha ang plastic bag at isinakay sa kaniyang bangka kung saan nang buksan niya ito ay la­king gulat nang madiskubre ang isang patay na sanggol ang nasa loob nito.

Agad naman itong  ipinagbigay-alam sa Brgy. Chairman ng nasabing Barangay na siyang nagreport ng insidente sa himpilan ng pulisya.

Samantalang nakita rin sa loob ng plastic bag ang inunan at umbilical cord ng bagong silang na sanggol.

vuukle comment

DINGALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with