^

Probinsiya

Trike tinumbok ng kotse: 2 bagets dedo, 4 pa sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang binatilyo ang patay habang sugatan ang apat nilang kasama nang tumbukin ng rumaragasang kotse ang sinasakyan nilang traysikel sa Brgy. Harana, Luna, Isabela noong Huwebes.

Kinilala ang dala­wang nasawi na sina Jonathan Donato, 16, at Mark Angelo Babaran, 17 habang isinugod sa ospital ang sugatang drayber ng traysikel na isang 17-anyos na binatilyo at dalawa niyang kapwa menor-de-edad na pasahero kasama si Jay-ar Mandat, 21.

Ayon kay Lt. Pedro Bunagan, deputy chief of police sa Luna, hindi agad napansin ng drayber ng kotse na si Ricky Abad, 26, ang traysikel dahil walang ilaw ang huli nang mangyari ang sakuna.

Sa ulat, biglang lumabas sa highway ang traysikel na siyang pagdaan ng kotseng nakatumbok sa kanila dakong alas-11:40 ng gabi.

Dahil sa lakas ng salpok, nakaladkad ng may 10 metro ang traysikel sanhi upang tumilapon ang iba nitong sakay.

vuukle comment

KOTSE

TRIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with