Anim na hunter inaresto sa pagpatay sa migratory birds
CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga, Philippines — Anim katao na umano ay nanghahanting at pumatay ng dalawang endangered species na Great egrets ang inaresto ng mga otoridad kamakalawa sa 32-hectare sa Barangay Paligui, Candaba.
Kinilala ang mga suspek na sina Jaime Buenaventura, Pablo Cunanan, Jose Carlo Dizon, Michael Gamos, Vicente Pangan at Rodrigo Canlas, kapwa mga residente ng Barangay San Joaquin, Sta. Ana ng lalawigan.
Ayon kay Laudemir Salac, hepe ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) nakabase sa Guagua na sila ay nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen na isang grupo ng kalalakihan ang nanghahanting ng ibon sa lugar kaya’t rumesponde ang mga pulis at nahuli sa akto ang mga suspek na namamaril ng nasabing ibon gamit ang air pellet.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong violation of Section 27 of Republic Act 9147 or the Wildlife Resources and Conservation and Protection Act of 2001, and Provincial Ordinance No. 756 in relation to Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act of 2018, for not wearing a face mask.
- Latest