Sub-leader ng KFR tumba sa encounter
MANILA, Philippines — Patay ang isang sub-leader ng Abdussalam kidnap for ransom group (KFR) matapos manlaban sa pagsalakay ng mga awtoridad sa Zamboanga City nitong Martes ng madaling araw.
Ayon sa ulat, 12:30 ng madaling araw, bitbit ng mga elemento ng PNP’s Anti-Kidnapping Group Mindanao Field Unit, Special Action Force, Regional Mobile Force Battalion-9, Police Station-6, Zamboanga City Police Office; AFP’s Joint Task Force Zamboanga at Marine Battalion Landing Team 11 ang warrant of arrest na ipinalabas ni Josefino Bael, presiding judge ng 9th Judicial Region, RTC Branch 31 ng Imelda, Zamboanga Sibugay, nang salakayin nila ang hideout ng target na si Samad Awang alyas “Ahmad Jamal” ng Sitio Sahaya, Brgy. Mampang, Zamboanga City.
Nanlaban umano ang naturang sub-leader na nahaharap sa mga kasong Serious Illegal Detention, Kidnapping, and Hostage-Taking kaya napatay ng mga otoridad sa engkuwentro.
- Latest