^

Probinsiya

Motor vs kotse: Angkas dedo, 2 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon , Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang ­angkas ng isang ske­leton motorcycle habang nasugatan ang pinsan niyang rider at ang driver ng kotseng bumangga sa kanila sa Maharlika highway, Barangay Sto. Cristo, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at idineklarang dead-on-arrival sa Candelaria District Hospital si Jonathan Magsino, 20, binata ng Brgy. Janagdong 1, habang ginagamot sa nabanggit na ospital dahil sa mga sugat sa katawan sina Jeffrey Contreras, 20 ng Brgy. Mamala 2 at Rocel Atienza, 19, ng Brgy. Concepcion Palasan.

Ayon sa pulisya, patungo sa town proper ang magpinsan dakong alas-9:40 ng gabi nang tumbukin silang banggain ng Mitsubishi Sedan na minamaneho ni Atienza na sinasabing nag-overtake sa isang trak kung kaya kinain ang linya ng mga biktima.

Sa lakas ng banggaan,  nayupi ang motorsiklo at tumilapon ng may ilang metro kasama ang magkaangkas na biktima.

CANDELARIA DISTRICT HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with