Lahat ng health workers ng ospital nagka-COVID-19, isinara
TUGUEGARAO CITY , Philippines — Nagsara ang isang pribadong ospital dito matapos tamaan ng COVID-19 ang halos lahat ng kanilang health workers kabilang ang dalawang doktor kahapon.
Sa report ng Provincial Health Office, 18 nurses, dalawang medical technologist at dalawang doktor sa naturang hospital ang kasama sa 40 bagong kaso ng COVID-19 na sinasabing pinakamataas na bilang sa isang araw lamang sa Cagayan.
Bukod sa mga tinamaan na health workers, nagpositibo rin ang isang bagong silang na sanggol na iniluwal sa naturang ospital.
Ayon sa PHO, nag-ugat ang hawaan sa pagamutan nang magkaroon ng exposure ang isang nurse sa isang pasyenteng kanilang inoperahan noong Nobyembre 5 na kalaunan ay nagpositibo sa virus.
Kaya’t kumalat ang virus na parang apoy sa mga katrabaho nito na sabay sabay nakaranas ng lagnat, ubo, sipon at pananakit ng katawan.
- Latest