^

Probinsiya

Kawatang dayo natimbog ng 3 bebot

Christian Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Kawatang dayo natimbog ng 3 bebot
Ayon kay Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng pulisya rito, bitbit ng tatlong babaeng biktima na sina Jennifer Tobin, 31, may-asawa, isang negosyante; Minda Collantes, 56, at isang 15 anyos na Grade 10 ju­nior high school student; pawang mga residente ng nasabing barangay, ang suspek na si Juan Michael Valdez alyas “JM”, 26-anyos, binata, tubong Zamboanga Sibugay at kasaluku­yang naninirahan sa Brgy. Claro, San Simon, Pampanga.
STAR/ File

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines  — Hindi umubra ang tapang ng isang lalaki na dumayo pa umano para magnakaw makaraang matunugan at pagtulung-tulungang dakpin ng tatlong babae kabilang ang isang dalagitan sa may Sitio Libis, Brgy. San Vicente ng lungsod na ito noong Sabado ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng pulisya rito, bitbit ng tatlong babaeng biktima na sina Jennifer Tobin, 31, may-asawa, isang negosyante; Minda Collantes, 56, at isang 15 anyos na Grade 10 ju­nior high school student; pawang mga residente ng nasabing barangay, ang suspek na si Juan Michael Valdez alyas “JM”, 26-anyos, binata, tubong Zamboanga Sibugay at kasaluku­yang naninirahan sa Brgy. Claro, San Simon, Pampanga.

Sa imbestigasyon, alas-10:20 ng umaga habang nasa labas ng kani-kanilang bahay ang tatlong babae na nag­lilinis ng paligid nang mapadaan umano ang suspek.

Napansin umano ng suspek na may makukuha o matatangay siyang mahahalagang gamit kaya sinamantala nito habang abala ang mga biktima.

Sa isang iglap umano ay nakalapit na ang pa­linga-lingang suspek sa lugar kung saan nakalagay ang isang kulay gray na Apple iPad na nagkakahalaga ng P17,000 na gamit sa online class ng nasabing dalagitang estudyante.

Doon din ay nakita rin umano ng suspek ang isang itim na Huawei Y5 cellphone na may halagang P5,000 at wallet ng mga biktima na may lamang P1,500 cash na akto na umanong kinukuha ng suspek.

Naging alisto naman ang mga biktima kaya agad nilang napigil ang masamang balak ng suspek hanggang sa pagtulungan na siyang hulihin.

Dahil sa kanilang komosyon, naalerto ang mga miyembro ng bantay-bayan ng nasabing barangay at natulu­ngang dakmain ang suspek na sinampahan na ng kasong theft. 

CRISELDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with