^

Probinsiya

Mag-utol na nag-aayos ng internet sa online class, nakuryente

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol na nag-aayos ng internet sa online class, nakuryente
Kinilala ang mga nasawi na sina Tristian Dexter, 26-an­yos, at Christian Val, 20-an­yos, residente ng nasabing lugar.
STAR/ File

DIMIAO, Bohol, Philippines  — Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang isang magkapatid  makaraang makur­yente habang nag-aayos ng linya para sa kanilang internet device kamakalawa ng hapon sa Barangay Limokon Ilaod ng lalawigang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Tristian Dexter, 26-an­yos, at Christian Val, 20-an­yos, residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-5:30 ng hapon ay gumamit ang magkapatid ng G.I. pipe upang maging antenna na iniligay sa isang puno para mas mapabilis ang internet connection at makatulong sa online class ni Christian nang mahulog ang  bakal na tubo at natamaan ang isang poste ng kuryente kaya’t nakuryente ang mga ito.

Naisugod pa sa ospital ang magkapatid, pero idineklarang dead on arrival.

vuukle comment

RESIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with