^

Probinsiya

Tinedyer na nakipagkalas sa nobyo, pinatay

Raymund Catindig, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Tinedyer na nakipagkalas sa nobyo, pinatay
Ang biktima na natagpuang patay sa isang sapa, dakong alas-7:00 ng umaga ay nakila­lang si Juliana Faith Aleluia,17.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines —  Posibleng hindi matanggap ng isang 20-anyos na binata ang pakikipagkalas ng nobya kung kaya’t nagawa niyang patayin sa pamamagitan nang paghampas sa mukha ng malaking bato naganap kamakalawa ng umaga sa Brgy. San Pedro, Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Ang biktima na natagpuang patay sa isang sapa, dakong alas-7:00 ng umaga ay nakila­lang si Juliana Faith Aleluia,17.

Ang suspek na ina­resto ng mga pulis sa kanilang bahay ay  kinilalang si Nico Valdez, 20.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen ay nagtungo ang suspek at biktima malapit sa isang irrigation canal para pag-usapan ang kanilang relasyon.

Dito ay nagkaroon ng mainitang pagta­talo ang dalawa dahil sa hindi pumayag ang suspek sa pakikipagkalas ng biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng malaking bato ang una at hinambalos ang mukha ng huli hanggang sa ito ay masawi.

Ilang minuto ang  nakalipas ay napadaan ang isang magsasaka upang pakainin ang kanyang kalabaw nang makita ang bangkay ng biktima kaya’t agad niya itong inireport sa pulisya.

Sa pagresponde ng pulisya ay nakita ang kuwintas na suot ng  biktima at sa pag-iimbestiga ay nalaman ang pangalan ng nobyo na kung saan ay sinuri ang social media account nito at nakita ang larawan nito na may suot na kuwintas na kapareho sa biktima.

Agad na tinungo ng mga pulis ang bahay ng suspek na inamin agad ang ginawang krimen sa dating nobya.

vuukle comment

NOBYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with