Lolong nagbibisikleta tepok sa salpok
CAVITE, Philippines — Isang 63-anyos na lolo na nagbibisikleta ang patay matapos na masalpok ng isang motorcycle rider sa Tanza, Cavite kamakalawa.
Dinala muna ng motorcycle rider na si Nestler Palmer, 39, isang machine operator ng Villa Apolonia, Naic, Cavite sa ospital ang nabundol nitong matanda na si Eduardo Corpuz, may-asawa ng Block 28 Lot 13 Phase 2 Springtown Villas Brgy Bucal, Tanza, Cavite, bago kusang loob itong sumuko sa pulisya.
Sa ulat ni Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza Police, minamaneho ni Palmer ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Sahud Ulan dakong alas-10:30 ng umaga nang hindi nito naiwasan ang biktima na nagbibisikleta habang kapwa bumabagtas sa nasabing lugar. Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang biktima.
- Latest