^

Probinsiya

2 NPA todas sa engkuwentro

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 NPA todas sa engkuwentro
Sa ulat mula sa 39th Smasher Battalion, tinatayang nasa 20 rebelde na pinamumunuan ni Roberto Castillote alias “Inoy/Solomon”, commander ng Sentro de Grabidad (SDG), Pulang Bagani Command (PBC), Southern Regional Committee (SRC) 3, Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), ang nakabakbakan ng militar na nauwi sa pagkakapaslang sa dalawang ‘di pa nakilalang rebelde, alas-3:30 ng hapon.
STAR/File

NORTH COTABATO, Philippines — Dalawang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang patay sa bakbakan sa pagitan ng pangkat ng 39th Infantry Battalion sa ilalim ng 1002nd Infantry Brigade sa Sitio Garok, Brgy. Sibulan, Sta Cruz, Davao del Sur noong Linggo ng hapon.

Sa ulat mula sa 39th Smasher Battalion, tinatayang nasa 20 rebelde na pinamumunuan ni Roberto Castillote alias “Inoy/Solomon”, commander ng Sentro de Grabidad (SDG), Pulang Bagani Command (PBC), Southern Regional Committee (SRC) 3, Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), ang nakabakbakan ng militar na nauwi sa pagkakapaslang sa dalawang ‘di pa nakilalang rebelde, alas-3:30 ng hapon.

Narekober ng mga sundalo sa lugar ang M16A riffle, dalawang improvised explosive device at mga subersibong dokumento sa lugar.

Pinasalamatan ni Lt. Col. Geoffrey Carandang, commander sa 39th-IB ang mamamayan sa lugar kaugnay sa kooperasyon sa militar hinggil sa mga galaw ng kilusan.

DAVAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with