^

Probinsiya

Drag racing habang may quarantine: 30 arestado

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Drag racing habang may quarantine: 30 arestado
Sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang nasabing lugar matapos na makatanggap ng reklamo na may nagaganap na drag racing na dinagsa ng maraming tao.
File

SAN RAFAEL, Bulacan, Philippines — May 30 katao ang dinampot ng mga kagawad ng San Rafael Police matapos na ma­aktuhang nag­sasa­gawa ng drag racing­ sa gitna ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19 sa Barangay Coral na Bato bayang ito, Huwebes ng gabi.

Sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang nasabing lugar matapos na makatanggap ng reklamo na may nagaganap na drag racing na dinagsa ng maraming tao.

Agad na tinungo ng mga pulis sa pangu­nguna ni P/Lt.Col. Ferdinand Germino, hepe ng San Rafael Police Station ang nasabing lugar at huling-huli sa akto ang mga suspek habang nagtatayaan sa kung sino sa mga kalahok sa drag racing ang mananalo.

Kumpiskado sa nasabing iligal na sugal ang isang Toyota Hi-Ace Commuter Van, Mitsubishi Mirage G4, Mitsubishi Adventure, Toyota Wigo, Yamaha Mio, Yamaha Sniper, Yamaha Nmax at P22,280.00 na cash.

Mabilis namang nakatakas ang apat pang lalaki sa nasabing ope­rasyon.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9287 (illegal gambling) at paglabag sa Sec.9 ng RA 11332.

COVID-19

DRAG RACING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with