^

Probinsiya

Tatlong lalaki inutas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines - Tatlong mister ang itinumba ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa  magkahiwalay na krimen a bayan ng Santa at Sta. Catalina sa Ilocos Sur kamakalawa.

Sa report ng pulisya, kapwa natagpuang naliligo sa sariling dugo sina Miguel Borje 32 at Zaldy Ramos sa Barangay Sacuyya, Santa na umano ay pinatay dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Si Borje ay umano’y galing sa laklakan nang barilin habang sakay ng kanyang traysikel pauwi. Habang sa hindi kalayuan ay nakita ang bangkay ni Ramos nakasuot lamang ng brief sa kanilang bakuran at nakita sa tabi nito ang isang kalibre 45 baril.

Sa Sta. Catalina, kinatay si Patrick Oandasan,19 habang nakaupong natutulog sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Poblacion.

Nabatid na galing  sa laklakan ang biktima bago nadiskubreng patay sanhi ng dalawang saksak sa kanyang dibdib dakong alas-1:00 ng madaling araw.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay sa tatlong biktima.

vuukle comment

UTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with