^

Probinsiya

KAPA founder at 23 private army arestado, 2 patay sa raid

Doris Franche, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
KAPA founder at 23 private army arestado, 2 patay sa raid
Ayon kay P/Major Rennel Serrano, isinilbi ang search warrant at warrant of arrest laban kay Apolinario na lider ng KAPA investment scam ngunit nauwi sa barilan nang kumasa ang kanyang mga private army.
STAR/ File

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang foun­der ng Kabus Padatuon­ (KAPA) na si Joel Apoli­nario at 23 private army nito sa isinagawang joint operation ng pulisya na nauwi sa engkuwentro na ikinasawi ng dalawang katao sa mansyon ng una sa Lingig, Suri­gao del Sur kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Major Rennel Serrano, isinilbi ang search warrant at warrant of arrest laban kay Apolinario na lider ng KAPA investment scam ngunit nauwi sa barilan nang kumasa ang kanyang mga private army.

Nabatid na bandang alas-7:30 ng umaga nang isisilbi lang sana ng joint elements ang search war­rant na inila­bas Judge Cayalina Shi­neta Tare-Palacio ka­ug­nay sa sinasabing pag­hawak o pag-iingat ni Apolinario ng maraming baril at sabay na ring isisilbi ang warrant of arrest nito para sa kasong syn­­dicated estafa mula naman kay Judge Gil Bollozos ng Regional Trial Court Branch 21 sa Cagayan de Oro.

Dalawang tauhan  ang hindi pa natukoy ang pagka­ka­kilanlan ang bu­mu­lagta habang isa pa ang sugatan matapos ang umaatikabong sagupaan­ habang nadakip si Apo­linario kasama ang kan­yang 23 private army at nakumpiska ang ma­­ta­­­taas nilang armas ka­bilang ang tatlong 60 caliber machine gun, da­lawang RPG rifle, isang caliber 50 sniper rifle, 30 unit ng M16 rifle, dalawang unit ng M4, Garand rifle, carbine, shotgun, limang caliber 45 pistol at mga live ammunitions ng iba’t iba pang kalibre ng baril.

Samantala, agad da­­­dalhin sa korte sina Apo­linario habang nagpatawag na ng press conference ang mga oto­ridad matapos ang matagum­pay na pagkakadakip sa KAPA founder.

vuukle comment

KAPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with