^

Probinsiya

Vice mayor, konsehal at 2 parak; 8 pa tiklo sa sugal

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Vice mayor, konsehal at 2 parak; 8 pa tiklo sa sugal
Arestado ang isang vice mayor, city councilor at 10 pang katao kabilang ang dalawang pulis at misis ng konsehal sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa magkahiwalay na pasugalan sa kasagsagan ng community quarantine sa Brgy. Pengue Ruyu at Brgy. Leonarda ng lungsod na ito noong Sabado.
KJ Rosales, file

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines  – Arestado ang isang vice mayor, city councilor at 10 pang katao kabilang ang dalawang pulis at misis ng konsehal sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa magkahiwalay na pasugalan sa kasagsagan ng community quarantine sa Brgy. Pengue Ruyu at Brgy. Leonarda ng lungsod na ito noong Sabado.

Kinilala ni Cagayan Police director Colonel Ariel Quilang ang mga opisyal na dinakma na sina Jolly Taberner, 65-anyos, vice mayor ng Maconacon, Isabela; Danilo Baccay, 65, konsehal ng Tugue­garao City; Staff Sergeants Maconel Pascua, 39, at Christine Ruiz, 40; isang retiradong pulis na si Gerry Adducul, 66, kapwa ng Brgy. Balzain, Tuguegarao City at Marlene Bautista, 52, kawani ng Department of Agriculture at residente ng Brgy. Capatan, Tuguegarao City.

Kasama rin sa mga naaresto sina Pedro Baggay, 33, ng Brgy. Dadda, Tuguegarao City; Jayson Allam, 39, ng Brgy. Kapatan; Grace Laggui, 44, at Peter Laggui, kapwa ng Brgy. Pengue Ruyu at may-ari ng bahay kung saan nagsusugal ang mga suspek.

Ayon kay Quilang, natiklo sa ikalawang palapag ng bahay ng naarestong si Peter Laggui si Vice Mayor Taberner, alalay nitong dalawang pulis at anim pang iba na naglalaro ng mahjong dakong alas-2:50 ng hapon.

Ayon naman kay Major Joefersson Gannaban, naaktuhan sina Konsehal Baccay, misis na si Monette, 64; Shiela Velasco, 44, at iba pa na naglalaro ng mahjong sa kanilang nirerentahang bahay dakong alas-3:20 ng hapon sa Dulig St., Brgy. Leonardo. Nagsipulasan umano ang iba pang sugarol nang makita ang paparating na rai­ding team.

Nakumpiska sa raid ang dalawang mahjong sets, walong upuan, mga perang taya, ang cal. 45 na baril ni Vice Mayor Taberner at 3 magazine nito.

Bukod sa illegal gambling, nahaharap sa kasong paglabag sa quarantine protocol ng social distancing ang mga naaresto habang kasong illegal possession of firearms ang isasampa sa bise alkalde. Artemio A. Dumlao

vuukle comment

TIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with