^

Probinsiya

Lady guard nakipag-chat sa Indian, inutas ng boypren

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Lady guard nakipag-chat sa Indian, inutas ng boypren
Ayon kay Lt. Colonel Fidel Junio, hepe ng Vigan City Police, ang pag-amin sa krimen ni Ferdinand Palaganas, 34, nang madakip sa isinagawang follow-up operation ng awtoridad dakong hatinggabi ng Sabado ay hudyat na lutas na ang kasong pamamaslang sa guwardyang si Marites Cutamora mula sa kamay ng sariling boyfriend.
STRA/ File

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines- Ma­tinding selos ang luma­labas na motibo sa pagpatay sa isang 49-anyos na lady guard na may ka-chat na Indian businessman matapos masakote ng pulisya ang umano’y nobyo nito na sinasabing responsable sa krimen sa Vigan City, Ilocos sur kahapon.

Ayon kay Lt. Colonel Fidel Junio, hepe ng Vigan City Police, ang pag-amin sa krimen ni Ferdinand Palaganas, 34, nang madakip sa isinagawang follow-up operation ng awtoridad dakong hatinggabi ng Sabado ay hudyat na lutas na ang kasong pamamaslang sa guwardyang si Marites Cutamora mula sa kamay ng sariling boyfriend.

Nadiskubreng patay si Cutamora noong Biyernes sa loob ng inuupahang kuwarto sa Barangay Tamag ilang oras bago niya nakaugnayan ang mga kaibigan at kaanak sa social media.

Nakitaan ng mga imbestigador ng matinding palo sa ulo ang biktima subalit hindi narekober ang ginamit na bagay sa pagpatay dahil itinapon na ito sa ilog ni Palaganas.

Hinahanap pa rin ng mga imbestigador ang cellphone ni Cutamora na maaaring magbigay ng dagdag na gabay upang tumibay ang ebidensiya laban kay Palaganas.

Isa sa itinuturong dahilan ng umano’y panibugho ni Palaganas sa nobya ay ang pagkahumaling nito sa ka-chat na isang guwapong Indian national na nagpapautang ng patubuan sa Vigan City.

vuukle comment

NADAKIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with