^

Probinsiya

Tinyente todas, 9 sugatan sa engkuwentro

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Tinyente todas, 9 sugatan sa engkuwentro
Kinilala ang nasawing­ sundalo na si 1Lt. Ryan Lou Retener, miyembro ng 32nd Infantry Bat­talion na kabilang sa mga nagsasagawa ng clearing operation sa isla ng Sulu.
Michael Varcas

NORTH COTABATO, Philippines  — Nasawi ang isang Army lieutenant habang 9 pa sa kanilang tropa ang nasugatan matapos na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf Group sa Sitio Tubig Bukayon, Barangay Pansul­, Patikul, Sulu nitong Lunes.

Kinilala ang nasawing­ sundalo na si 1Lt. Ryan Lou Retener, miyembro ng 32nd Infantry Bat­talion na kabilang sa mga nagsasagawa ng clearing operation sa isla ng Sulu.

Ang mga nasuga­tang sundalo ay naki­lalang sina Sergeant Lito Nuevo Jr., Private First Class (PFCs) Harold Kim Sagante, Jay-ar­ Sebastian; Danar Berganio, at Privates Jan Maligaya, Zyrus Wayas, Arthur De Leon, Raffy Santillan at Jerric Nantes.

Batay sa ulat, habang nagpapatrolya sa lugar ang mga sundalo nang umatake sa magkabilang direksiyon ang mga bandidong ASG sanhi ng sagupaan.

Tumagal ng halos­ da­lawang oras ang engkuwentro sa Sitio Tubig Bukayon na naging dahilan ng pagkasawi ng isang sundalo at pagkasugat ng 9 na kasamahan.

Apat naman sa tropa ng Abu Sayyaf ang sina­sabing nasawi sa bakbakan na patuloy pang kinukumpirma sa ground.

vuukle comment

PFC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with