^

Probinsiya

Operator na ‘di susunod sa fare matrix, tatanggalan ng prangkisa

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Babawian ng prangkisa ang mga operator ng mga sasakyan sa Rehiyon 12 na hindi susunod sa panuntunan ng fare matrix na ipatutupad sa ilalim ng “new normal policy” sa Rehiyon 12.

Ito ang naging babala kahapon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Regional Director 12 Reynato Padua sa isang panayam ng Pilipino STAR Ngayon.

Pinaaalalahan pa nito ang lahat ng ope­rators na sundin ang ipinalabas na bagong fare matrix dahil ang hindi pagsunod ay nakapaloob sa franchise violation at maaaring bawiin ang kanilang prangkisa depende sa kung ilang beses nilang ginawa ang paglabag.

Aniya, kung may mamonitor na nananamantala, kailangan lamang na i-report ng commuter sa kanilang tanggapan, dapat kunin ang case number, ang mismong pangyayari at dapat dumalo sa hearing ang nagrereklamo.

Kaugnay nito, pinag­hahandaan na rin ng Land Transportation and Regulatory Board o LTFRB Region 12 ang mga magiging new normal policy sa pagbabalik operasyon ng mga public utility vehicles (PUVs) sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ). Bagama’t wala pang schedule sa mga inter-regional route ay nagsisimula nang mamigay ng special permits ang tanggapan sa mga nag-apply na mga kompanya na consolidated bilang cooperative at hindi pinahihintu-lutan ang mga individual o asosasyon.

vuukle comment

FARE MATRIX

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with