^

Probinsiya

2 negosyante itinumba sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
2 negosyante itinumba sa Bulacan
Ang isa sa biktimang si Maurine Larrizabal nang pagbabarilin ng dalawang suspek kahapon sa Brgy. Matungao, Bulakan, Bulacan kahapon ng umaga.
Omar Padilla

MALOLOS CITY , Philippines — Dalawang negosyante ang napatay sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril kahapon ng umaga sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, acting Bulacan Police Director ang dalawang napatay na sina Nicolas Baltazar, 54-anyos, may-asawa ng Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan at Maurine Larrizabal, 39, ng Brgy. San Jose, Bulakan, Bulacan.

Si Baltazar, ayon kay P/Col. Victorino Valdez, hepe ng Plaridel Police, ay pinagbabaril ng dalawang ‘di pa nakikilalang salarin, isang lalaki at isang babae dakong alas-8:30 ng umaga sa Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan.

Pauwi na sana ang biktima kasama ang kanyang asawa na nakilalang si Luzvuminda, 49-anyos nang paulanan ng bala ng mga suspek ang biktimang si Nicolas.

Tadtad ng tama ng bala ng baril mula sa Cal .45 pistol ang katawan ni Nicolas na siya nitong ikinamatay, habang hindi naman binaril ng mga suspek si Luzviminda.

Matapos ang pamamaslang, kinuha ng mga suspek ang dalawang belt bag ng mag-asawa na naglala-man ng P275,000.00 na cash at P273,000.00 na tseke.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng isang pulang motorsiklo patungo sa direksyon ng bayan ng Balagtas.

Napag-alaman na ahente ng palay at mais ang dala-wang biktima.  

vuukle comment

LAWRENCE CAJIPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with