^

Probinsiya

Ex-Ombudsman investigator tiklo sa extortion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAGAYAN DE ORO, Philippines — Bagsak sa kalaboso ang isang dating imbestigador ng Office of the Ombudsman matapos ireklamo ng pangongotong sa isinagawang entrapment operation sa isang bangko sa Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City (CDO) nitong Biyernes.

Kinilala ang nasakoteng suspect na si Jonathan Pineda, 47, binata, nakatira sa Block 4, Lot 5, Brgy. Gold City, CDO.

Bandang alas-11:30 ng tanghali, ayon kay Police Captain Ernesto Sanchez, officer-in-charge ng Cagayan de Oro City Police Station (PS) 2 nang masakote ang suspek sa isang sangay ng kilalang bangko sa kahabaan ng Max Suniel Street, Brgy. Carmen ng lungsod.

 Isinagawa ang entrapment operation laban kay Pineda matapos ireklamo ng pangongotong ng mga police recruits.

Ayon sa opisyal, si Pine-da ay nangingikil umano ng P30,000.00 sa bawat  isang aplikante sa Police Recruits mula sa Regional Training School (RTS) Region 10 at kung hindi ay sasampahan umano ang mga ito ng kasong admi­nistratibo sa tanggapan ng Ombudsman sa Region 10.

Sinabi ni Sanchez na inaresto ang suspect habang tinatanggap ang nasabing halaga mula sa isa sa mga recruits sa entrapment ope­ration sa lugar.

Hindi na nakapalag ang suspect matapos na arestuhin at posasan ng mga nakaposteng operatiba ng pulisya.

CDO

JONATHAN PINEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with