^

Probinsiya

Grade 9 stude tigok sa suntok ng kaklase

Rhoderick Beñez - Philstar.com

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang Grade 9 student ng Pigcawayan National High School matapos suntukin ng kanyang kaklase sa Pigcawayan, lalawigang ito noong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Jessie Pulpul, 17-anyos ng KM 14 Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon kay Pigcawayan Police chief Maj. Reynaldo Delantein, naganap ang insidente habang naglilinis ang mga estudyante sa loob ng kanilang classroom dakong alas-4 ng hapon.

Lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagkaroon ng biruan ang biktima at 15-anyos na kaklase hanggang sa mauwi sa pikunan at magsuntukan ang dalawa sa harap ng kanilang mga kaklase.

Dahil sa lakas ng inabot na suntok ng biktima sa kaklase ay nakaihi umano ito at nanghina pa. Sinasabing nabagok ang ulo ng biktima sa isang matigas na bagay nang mapuruhan ng suntok ng kaklase hanggang sa mawalan ng malay kaya isinugod na siya sa pagamutan. Makalipas ang ilang sandali ay nalagutan ng hininga ang biktima.

vuukle comment

GRADE 9

SUNTUKAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with