Beki pala-away sa FB, huli sa droga
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang miyembro ng LGBT community na umano’y pala-away sa social media ang natimbog sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Uno, Vintar, Ilocos Norte kamakalawa.
Sa report, apat na sachet pa ang nasamsam mula sa suspek na si Derrick Agcaoili, 46, habang iniimbestigahan matapos siyang mahuling nagbenta ng isang sachet sa undercover agent.
Nakuha rin sa bakla ang P1,000 marked money. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA); No.6 sa provincial level drugs watchlist si Agcaoili na sinasabing kumukuha ng supply mula sa Metro Manila. Nabatid na matagal nang isinailalim ng pulisya si Agcaoili sa surveillance lalo na’t marami siyang nakakaalitan sa Facebook kung saan nabisto ang muli nitong pagpasok sa drug trade.
- Latest