^

Probinsiya

Sentenaryo ng Marinduque, kasado na ni Gov. Velasco

Pilipino Star Ngayon
Sentenaryo ng Marinduque, kasado na ni Gov. Velasco
Gov. Presby Velasco

MANILA, Philippines — “Tuloy-tuloy na prog­reso.”

Ito ang tiniyak ni dating Supreme Court Justice at Marinduque Gov. Presbitero “Presby” Velasco Jr. sa mga mamamayan ng Marinduque para sa gagana­ping sentenaryo ng lalawigan.

Sinabi ni Velasco sa mamamahayag na abala na sila sa paghahanda para sa nalalapit na anibersaryo ng Sentenaryo ng Marinduque kung saan magkakaroon ng iba’t ibang aktibidades ng isang linggo na pasisimulan sa Pebrero 16 hanggang Pebrero 22.

Ilan sa mga ibibida sa selebrasyon ay ang float parades, Moryo­nans parade, street dancing competition, commemorative stamp launching at historical tour.

“Ibibigay ko po lahat ng aking makakaya para sa ikagaganda ng Marinduque. Lalo na para sa ikabubuti ng aking mga mahal na kababayan,” wika ni Gov. Velasco.

“Ang lalawigan ng Marinduque ay ang tinaguriang puso ng Pilipinas. Ito ay lalong uunlad sa aspeto ng turismo, sa edukasyon, sa pagpapa-unlad ng mga inprastraktura at pagtutulungan ng mamamayan,” dagdag ng gobernador.

Inaasahan na dadag­sain ang sentenaryo ng ilang turista at artista gayundin ang pagdalo ng ilang gobernador ng Pilipinas.

Si Gov. Velasco ang kasalukuyang presidente ng Liga ng Lalawigan ng Pilipinas (LLP).

PRESBITERO VELASCO JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with