^

Probinsiya

Ambulansya hulog sa sapa: 2 todas, 3 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ambulansya hulog sa sapa: 2 todas, 3 sugatan
Kinilala ni Cordillera Police Director P/Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson ang mga nasawi na sina Kurt Akiate at Frankln Angawa, driver ng ambulansya.
STAR/File

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang ­iniulat na nasawi habang tatlo pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa sapa ang isang ambulansya habang bumabagtas sa kahabaan ng Sitio Ve-ey, Talubin, Bontoc, Mountain Province nitong Martes ng umaga.

 Kinilala ni Cordillera Police Director P/Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson ang mga nasawi na sina Kurt Akiate at Frankln Angawa, driver ng ambulansya.

 Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sina Rexton Duyabat, 20; Nelda Joy Tapyugan, 23, at Annabel Atang, 31.

 Bandang alas -7:50 ng umaga nang aksidenteng mahulog ang ambulansya na may limang sakay kabilang ang isang pasyante na ihahatid sa opsital sa tinatayang 150 metrong lalim na sapa. Kasalukuyang bumabagtas sa nasabing lugar ang ambulansya (SJS 623) na nanggaling sa Hungduan, Ifugao nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na nagbunsod sa malagim na sakuna.

 Agad na isinugod sa Bontoc General Hospital ang mga biktima pero nasawi ang dalawa sa kanila.

 

AMBULANSYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with