Rape charge pinabulaanan ni Quiboloy
MANILA, Philippines — Kumbinsido ang kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na mayroong “grand conspiracy” upang sirain ang pangalan at imahe ng nagsisilbing founder ng Kingdom of Jesus Christ (KJC).
Ito ay matapos na kuwestyunin ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy ang timing ng pagsasampa ng kasong rape, qualified trafficking in person at child abuse ng isang Blenda Portugal laban sa religious group leader.
Nabatid na kinasuhan din ni Portugal ng sexual abuse at forced labor sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Pauline Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemanes noong Disyembre 2019 sa Prosecutor’s Office ng Davao City.
Sa kanyang affidavit, sinabi ni Portugal na ginahasa siya noong Sept.1, 2014 sa loob ng Jose Maria College Compound dakong ala-1 o alas-2 ng madaling araw. Siya ay 17 ng maganap ang insidente at isa sa mga scholars at singer ng Quiboloy’s church.
“It appeared that she is well supported and well financed. We know who they are and we are prepared for them. We will show them that Quiboloy is innocent,” pahayag ni Torreon.
Iginiit ni Torreon na gumanti lamang si Portugal laban kay Quiboloy nang sampahan siya ang huli ng kasong libelo noong Oktubre 22, 2010 kung saan naglabas ng arrest warrant laban sa kanya sa Panabo City, sa Davao del Norte. Ito ay matapos na madiskubre na si Portugal umano ang responsable sa mga malisyosong komento sa Facebook na gumamit umano ng iba-ibang pangalan laban kay Quiboloy.
Sinabi ni Torreon na ang alegasyon ni Portugal ay bahagi ng “grand conspiracy” upang idiin at pabagsakin ang kanyang kliyente. “We will show you that this is not true. Because Quiboloy is true to his mission to propagate love, the love for Jesus and we are here to cause the dismissal of the criminal cases filed to him,” dagdag nito.
- Latest