^

Probinsiya

Trader tiklo sa pekeng P1K

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang nagpa-kilalang negosyante na nagbabayad ng pekeng pera ang dinakma ng mga awtoridad matapos na makapambiktima ng dalawa ring negosyante sa Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Kinilala ng Aritao Police ang nahuling suspek na si Norhana Gumbay, 39-anyos, at residente ng Mexico, Pampanga.

Sa imbestigasyon, unang bumili ang suspek sa negosyanteng si Christina Tadeo, 36, kung saan gumamit ito ng pekeng P1,000 bilang pambayad sa nakuhang karne. Sumunod umanong bumili ang suspek sa isa pang negosyante na si Chersvy Florida at gumamit din ng huwad na salapi.

Agad namang napansin na peke ang pera na ibinayad ng suspek kung kaya’t mabilis na lumapit ang mga tindero sa kagawad ng pulisya na noon ay nagsasagawa ng checkpoint sa bayan.

Mabilis na dinakip  ang suspek sakay sa kanyang kotse na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 168 o Illegal possession and use of false treasury or banknotes.

PEKE

PERA

TIKLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with