^

Probinsiya

HVT, 1 pa huli sa P.2 milyong shabu

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
HVT, 1 pa huli sa P.2 milyong shabu
Kinilala ang mga suspek na sina Roberto Ba­yani, 36-anyos, matador ng Palanas Road, Brgy. Tanzang Luma 6, Imus City na HVT ng Cavite Police, at Amos Camantigue, 34, tricycle driver na nasa “newly identified drug watchlist” ng pulisya.
STAR/ File

CAVITE, Philippines – Isang high value target (HVT) at kasama nito ang nadakma ng pinagsanib na puwersa ng Imus Police at PDEA-Cavite sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Alapan 1-C, Imus City.

Kinilala ang mga suspek na sina Roberto Ba­yani, 36-anyos, matador ng Palanas Road, Brgy. Tanzang Luma 6, Imus City na HVT ng Cavite Police, at Amos Camantigue, 34, tricycle driver na nasa “newly identified drug watchlist” ng pulisya.

Ayon kay Cavite Provincial Director P/Lt. Col. Marlon Santos, alas-3:00 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust at isang pulis ang tumayong buyer na nakipag-deal sa mga suspek.

Nang magpositibo ang transaksyon, dito na inaresto ng mga operatiba ang matagal nang target na si Bayani at kasama nito. Nakuha sa dalawa ang may 5 plastic sachet na naglalaman ng nasa 26 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000 at ang marked money na ginamit sa operasyon.

MARLON SANTOS

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with