^

Probinsiya

74-anyos dedo sa sagasa

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
74-anyos dedo sa sagasa
Sinubukan pang isugod ng mga residente sa Masbate Provincial Hospital pero hindi na umabot nang buhay si Nerluila Banda Lignes, ng nasabing barangay.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 74-anyos na lola matapos banggain ng rumaragasang motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Purok-3, Brgy. Gaid, Dimasalang, Masbate kamakalawa ng umaga.

Sinubukan pang isugod ng mga residente sa Masbate Provincial Hospital pero hindi na umabot nang buhay si Nerluila Banda Lignes, ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga, patawid sana sa kalsada si Lignes pero sinalpok ng paparating at walang plakang motorsiklo na minamaneho ni Rolando Rosales Arroyo, 24-anyos,  ng Purok-1. Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon pa ng ilang metro ang matanda.

Duguang isinugod ang biktima sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival. Arestado at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek.

 

vuukle comment

PATAY

SAGASAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with