^

Probinsiya

Pastor todas sa ambush

Roderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Pastor todas sa ambush
Batay sa ulat, galing umano sa bahay nito ang biktima at papunta na sana sa kanyang trabaho sa DepEd nang pagbabarilin siya ng maraming beses bandang ala-1:45 ng hapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang may kinalaman sa isang investment ang pamamaril at pagpatay sa isang 58-anyos na pastor at supervisor ng Department of Education (DepEd) sa loob ng kotse nito sa Tadeco Road sa Barangay San Francisco, Panabo City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Babito Manliguez, senior pastor ng The Harvest Christian Church Community Assembly of God at district supervisor din ng DepEd sa Panabo City.

Batay sa ulat, galing umano sa bahay nito ang biktima at papunta na sana sa kanyang trabaho sa DepEd nang pagbabarilin siya ng maraming beses bandang ala-1:45 ng hapon.

Sinabi sa imbestigasyon na inabangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang biktima sa pasukan ng kanilang subdibisyon. Nakuha rin sa crime scene ang limang basyo ng bala ng hinihinalang kalibre .45.

Nabatid na posible umanong personal na galit ang motibo ng suspect dahil kasapi umano ang biktima sa isang investment scheme, ani Police Lt. Col. Ernesto Gregore.

May suspect nang sinusubaybayan ang Panabo City Police sa krimen.

Ayon naman sa mga church member, posible umanong napagkamalan lamang ang biktima dahil wala umano silang alam na kaalitan ng kanilang pastor.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with